Lunes, Oktubre 5, 2015
Hanga ako sa sarili ko!
Mag-iisang taon na akong nahuhumaling sa isang lalake. Hindi naman siya kagwapuhan pero mabait siya at nasa kanya ang mga katangiang gusto ko sa isang lalake. Noon, palagi akong nagpapapansin sa kanya pero kahit anong gawin ko, wala pa rin eh! Kapag dumadaan siya sa harapan ko parang feeling ko kaming dalawa lang yung tao sa mundo pero ni hindi nga niya ako magawang tingnan. Nung gumadruate na siya parang gusto ko i-stop yung oras para kahit sandali man lang masabi ko yung nararamdaman ko para sa kanya pero nauunahan ako ng takot. Feeling ko rin na alam na niyang may gusto ako sa kanya dahil na-share ko kasi sa isang kaibigan niya na gusto ko siya kaya siya nalang yung umiiwas para siguro hindi na ako masaktan kapag nalaman kong isang araw may girlfriend na siya pero hindi eh! nasaktan pa rin ako. Hanggang dito nalang muna.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento