Lunes, Oktubre 5, 2015

Misunderstandings...

Paano kung isang araw ginabi ka nang uwi? tapos kasama mo pa yung mga classmates mo? yan yung nangyari sa akin. Sinermonan ako ng papa ko. Syempre isang akong "crybaby" at madali akong masaktan kapag yung papa ko na ang nagagalit sa akin dahil lahat ng mga sinsabi niya ay TOTOO. Tinanong ako ng mga classmates ko kung bakit hindi ko sila pinapansin dahil nga nagagalit pa ako sa sarili ko... Kaya ayun parang feeling ko nagtatampo sila sa akin dahil ngahindi ko sila pinapansin. Anong gagawin ko?

Hanga ako sa sarili ko!

Mag-iisang taon na akong nahuhumaling sa isang lalake. Hindi naman siya kagwapuhan pero mabait siya at nasa kanya ang mga katangiang gusto ko sa isang lalake. Noon, palagi akong nagpapapansin sa kanya pero kahit anong gawin ko, wala pa rin eh! Kapag dumadaan siya sa harapan ko parang feeling ko kaming dalawa lang yung tao sa mundo pero ni hindi nga niya ako magawang tingnan. Nung gumadruate na siya parang gusto ko i-stop yung oras para kahit sandali man lang masabi ko yung nararamdaman ko para sa kanya pero nauunahan ako ng takot. Feeling ko rin na alam na niyang may gusto ako sa kanya dahil na-share ko kasi sa isang kaibigan niya na gusto ko siya kaya siya nalang yung umiiwas para siguro hindi na ako masaktan kapag nalaman kong isang araw may girlfriend na siya pero hindi eh! nasaktan pa rin ako. Hanggang dito nalang muna.